Ramdam na umano ng mga mamimili ang pagtaas sa presyo ng mga produktong karne sa ilang pampublikong pamilihan sa lungsod ng Dagupan.
Sa kasalukuyan, naglalaro sa ₱350 hanggang ₱360 ang kada kilo ng karneng baboy, depende pa ang presyuhan sa parte ng baboy ng bibilihin.
Ang produktong manok, pumapalo sa 180 hanggang 200 pesos ang kada kilo nito.
Nananatili namang mataas ang presyo ng mga itlog sa pamilihan bagamat kahit mataas sa presyuhan ng kada piraso ay tinatangkilik umano ito ng mga consumers.
Samantala, inaasahan ng mga mamimili na hindi na muling sisipa pa ang presyo prtikular ng mga pangunahing pangangailangan lalo ngayong holiday season tulad ng bigas, prutas, gulay, mga karne at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments