𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’ π—‘π—š π— π—šπ—” 𝗣π—₯𝗨𝗧𝗔𝗦 π—‘π—šπ—”π—¬π—’π—‘ 𝗕𝗨π—ͺ𝗔𝗑 π—‘π—š π——π—œπ—¦π—¬π—˜π— π—•π—₯π—˜ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—ͺπ—”π—Ÿπ—” π—£π—”π—‘π—š π—£π—”π—šπ—šπ—”π—Ÿπ—”π—ͺ 𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗦𝗔 π— π—šπ—” π—‘π—”π—šπ—•π—˜π—•π—˜π—‘π—§π—”; 𝗣π—₯π—˜π—¦π—¬π—’, π—”π—Ÿπ—”π— π—œπ—‘

Kahit pumasok na ang buwan ng Disyembre, hindi pa rin nakitaan ng paggalaw sa presyo ang mga prutas sa lalawigan ng Pangasinan gayong isa ito sa mga tinatangkilik ng mga Pilipino tuwing sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan at Bagong taon.
Ito ang inihayag ng ilang nagbebenta ng mga prutas sa Lungsod ng Urdaneta kung saan sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Melanie Pergado na normal pa rin ang presyo ng prutas.
Inaasahan aniya na sa pagsapit ng ikalawang linggo ng Disyembre ay dito na unti-unting mararamdaman ang mga presyo ng prutas.

Samantala, ang presyo ng mga prutas ngayon gaya ng mansanas, orange ay P10 isang piraso, P40 kada ΒΌ naman ang ubas, rambutan P60, Longgan – P50, pakwan 120 kada kilo at marami pang iba.
Hinikayat naman ni Melanie ang mga mamimili na bumili ng prutas makakatulong ito na mapalusog ang pangangatawan ng sinumang kakain ng prutas. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments