𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗢𝗖𝗛𝗘 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗜𝗧𝗘𝗠𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗧𝗜 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

May mga bahagyang pagtaas sa presyo ng mga Noche Buena items sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Ito ang kinumpirma ni Department of Trade and Industry o DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa opisyal sinabi nito na sa kanilang inilabas na datos ng price guide, ilang sa mga ito ay may mga napansin na pagtaas.

Bagamat ang maganda dito aniya ay may mga produkto na magkakatulad at magkakaiba ng presyo kung kayat may options ang mga kababayan na pumili.
kaugnay nito ay ang pagtutok ng ahensiya sa mga posibleng lumabag dito kung saan ay may mga napadalhan na aniya sila ng mga sulat upang pagpaliwanagin at balaan sa mga paglabag sa nasabing price guide.
Sa huli ay hinikayat ang mga Pangasinense na tiyakin ang kaligtasan lalo na sa mga bibilhing mga produkto upang maiwasan ang aberya sa pag gunita ng Kapaskuhan at Bagong Taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments