𝗣𝗥𝗜𝗦𝗔𝗔 𝗠𝗘𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔

Cauayan City – Pormal ng binuksan ngayong araw, ika-16 ng Oktubre ang pagsisimula ng Private Schools Atheletic Association Meet 2024 sa lungsod ng Cauayan.

Sa larong pampalakasan magtatagisan ang mga student Athletes mula sa 14 na pribadong paaralan dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa naging mensahe ni Ginoong Norman Tolentino, Division Sports Officer, sinabi nito ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga student athletes ng disiplina sa sarili, at leadership skills, at potensyal para sa kanilang ginagawa.


Binigyang diin din nito na hindi lamang nasusukat ang talino at kahusayan pagdating sa usaping akademiko dahil maraming mga bata ang mahusay pagdating sa ibang bagay katulad ng sports.

Sinabi rin nito na dapat ay huwag masyadong maging mahigpit pagdating sa pag-eensayo ng mga bata upang mabalanse pa rin ng mga ito ang kanilang oras sa pag-aaral at sa sports kung saan sila mahusay.

Facebook Comments