𝗣𝗥𝗢𝟮, 𝗧𝗜𝗡𝗜𝗬𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗜𝗣𝗟𝗜𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬 𝗖𝗢𝗣𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟲‎

Cauayan City – Tiniyak ng Police Regional Office 2 (PRO 2) na mas paiigtingin nito ang disiplina at integridad ng kapulisan sa Lambak ng Cagayan ngayong 2026, kasabay ng patuloy na pagtanggap ng mga parangal na kumikilala sa kanilang tapat at mahusay na serbisyo sa mamamayan.

Ayon sa PRO 2, ang mga natatamong pagkilala ay patunay ng sama-samang pagsisikap ng mga pulis sa rehiyon sa pagpapanatili ng kaayusan at pagpapalakas ng tiwala ng publiko.

Layunin ng tanggapan na maghatid ng mas mabilis, tapat, at makataong serbisyo sa lahat ng bayan at lungsod sa Rehiyon Dos.

Kabilang sa mga mahigpit na ipagbabawal ang pag-inom ng alak sa loob ng mga himpilan, opisina, at pampublikong lugar, gayundin ang anumang uri ng pagsusugal na maaaring makasira sa kredibilidad ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas.

Isasagawa rin ang regular na drug testing sa lahat ng pulis bilang bahagi ng kampanya kontra ilegal na droga at upang matiyak ang maayos na asal ng bawat alagad ng batas.

Binigyang-diin ng pamunuan ng PRO 2 na ang sinumang mapatunayang lalabag sa mga patakarang ito ay agad na sasailalim sa imbestigasyon at pananagutin alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments