π—£π—¨π—Ÿπ—œπ—¦, π—›π—œπ—‘π—”π—‘π—šπ—”π—”π—‘ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—šπ—•π—”π—Ÿπ—œπ—ž π—‘π—š π—£πŸ­πŸ±,𝟬𝟬𝟬 𝗑𝗔 π—‘π—”π—œπ—¦π—˜π—‘π—— 𝗦𝗔 π—žπ—”π—‘π—œπ—¬π—”π—‘π—š π—šπ—–π—”π—¦π—›

CAUAYAN CITY – Hindi nag dalawang isip ang isang pulis sa Batanes matapos itong magbalik ng P15,000 cash sa isang gcash user na nagkamaling mag send ng pera.
Siya ay si PSSg. Anselmo H Gari Jr. ng Sabtang Police Station, Batanes PPO.
Aniya, laking gulat nito ng makatanggap ng notification na mayroong pumasok na pera sa kaniyang account gayong wala naman umano itong inaasahang pera.

Matapos ito, isang text mula sa isang Ginang sa Quezon City ang kanyang natanggap na nagsasabing nagkamali ito ng pagsend at hinihiling na maibalik sa kanya ang pera.
Agad namang tinawagan ni PSSg. Gari upang kumpirmahin kung siya ang tunay na may-ari at agad niya itong binalik sa pamamagitan din ng GCASH.
Facebook Comments