𝗣𝗨𝗥𝗢𝗞𝗔𝗟𝗨𝗦𝗨𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗦𝗨𝗥, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗

Inilunsad na rin sa lalawigan ng Ilocos Sur ang programang Purokalusugan ng Department of Health.

Nasa higit isang libong mga residente sa lalawigan ang nakinabang sa hatid nitong mga serbisyong medikal tulad ng Laboratory Test, Medical Consultation, Immunization, Dental Services, ECG, Ultrasound at pamamahagi ng libreng mga gamot.

Binigyang katiyakan ng DOH – Center for Health Development 1 sa pangunguna ni RD Paula Paz Sydiongco na makakarating sa mga purok ang naturang programa upang patuloy na mapalawig ang serbisyong pangkalusugan at mabenepisyuhan ang mga residente.

Samantala, alinsunod ang Purokalusugan sa 8 – Point Action Agenda ng ahensya na may layuning ilapit sa mga komunidad ang iba’t-ibang libreng serbisyong medikal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments