Nangangamba ang mga Public Utility Vehicles o PUV drivers at operators ng lalawigan ng Pangasinan sa nalalapit na PUV Consolidation deadline sa darating na December 31 ngayong taon.
Bagamat mayroon ng nasa higit 90% ang naconsolidate nang PUVs o ang mga drivers at operators na mayroon nang kinabibilangang kooperatiba, pangamba pa rin ng mga ito ang susunod na mangyayari sakaling tuluyan nang maipatupad ang jeepney phaseout.
Panawagan pa ng ilang transport group sa bansa ang extension sa nasabing consolidation na iginiit naman ng mga concerned agencies tulad ng LTFRB na hindi na ito palalawigin pa,.
Ayon sa mga consolidated PUV drivers sa Pangasinan, bagamat papayagan pa silang bumyahe sa susunod na taon ay tila papunta rin daw ang mga ito sa kinatatatakot na jeepney phaseout.
Mungkahi ng mga ito ang kanilang mga hanapbuhay lalo na halos karamihan sa kanila ay tanging pamamasada ang pinagkakakitaan ng pera.
Dagdag pa ng mga ito na kung sila ang masusunod ay mas pipiliin pa nila ang tradisyunal na jeepney ngunit wala umano silang magawa kundi ang sumunod sa itinakdang patakaran.
Samantala, matatandaan na isang layunin ng isinusulong na PUV Modernization Program ay ang magtaguyod ng mas ligtas at mas mahusay na public transport service maging ang magiging kontribusyon nito kapaligiran o environmental aspect. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨