𝗣𝗥𝗨𝗧𝗔𝗦 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪

Dalawang araw bago ang pagdiriwang ng New Year Celebration sa darating na Dec 31, dagsa na ang prutas section sa mga pampublikong pamilihan sa Dagupan City.

Nananatili sa presyo ang prutas na mansanas, orange, ponkan at lemon na naglalaro sa 20 hanggang 30 pesos sa kada piraso.

Nasa 150 per kilo naman ang ubas, habang ang seedless nito ay nasa 280.

80 pesos kada piraso rin ang lucban, habang 80 pesos ang per kilo ng melon.

Nasa 120 pesos ang pero kilo ng guava at 120 pesos naman ang isang balot ng prutas na kiat kiat.

Inaasahan ng mga fruit vendors na mas dadagsain pa ng mas maraming tao ang pamilihan bukas December 30.

Samantala, sa kasalukuyan ay wala namang paggalaw sa presyuhan ang mga produktong prutas ayon mismo sa mga fruit vendors bagamat asahan daw na baka tumaas ito ng bahagya sa sunod na araw. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments