𝗣𝟭𝟵𝟬𝗞 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Arestado sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Libsong, Lingayen ang isang high value target.

Nasamsam sa suspek na si Alyas Jayson ang 28 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P190, 400.

Ayon sa pulisya, Matagal nang minamanmanan ng awtoridad ang suspek sa ilegal na aktibidad nito sa kaniyang tirahan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek at haharap sa kasong paglabag sa RA 9165.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng kapulisan ang publiko sa aktibong pakikiisa sa pakikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan na may kinalaman sa ilegal na droga. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments