𝗣𝟱𝟬𝗞 𝗜𝗡𝗦𝗘𝗡𝗧𝗜𝗕𝗢, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝟰𝟮 𝗡𝗔 𝗠𝗔𝗚-𝗔𝗦𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔

Cauayan City – Tumanggap ng P50,000 insentibo ang 42 mag-asawang mahigit 50 taon nang nagsasama sa Nueva Vizcaya.

Bahagi ito ng Enduring Devotion Ordinance ng Provincial Local Government Unit (PLGU).

Ang programang ito ay nagbibigay-pugay sa matibay na pagsasama ng mag-asawa, na itinuturing na pundasyon ng matatag na pamilya at maunlad na lalawigan.

Mula noong December 2024, umabot na sa 50 mag-asawa ang nakatanggap ng nasabing insentibo.

Sa kasalukuyan, mahigit 900 na ang aplikante para sa programang ito, na inaasahang magbibigay-inspirasyon sa kabataan upang pahalagahan ang matatag at panghabambuhay na pagsasama sa kabila ng hamon ng buhay.

Facebook Comments