Nasa ilalim na ng red alert status ang Ilocos Region simula kahapon, ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 1, Emergency Operations Center.
Ito ay dahil sa nararanasang epekto ng Bagyong Julian kalakhang rehiyon.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay OCD 1 Spokesperson Adreanne Pagsolingan, nakahanda ang kagamitan ng ahensya sakaling kailanganin ng augmentation sa mga Provincial o Local DRRMOs.
Dahil rin dito Handa rin ang OCD katuwang ang DSWD sa paghahatid ng agarang tulong sa mga maaapektuhang residente sa rehiyon.
Pinapayuhan ng tanggapan ang mga residente sa rehiyon dahil sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Samantala, nakaalerto na rin ang Philippine Coast guard Northwestern Luzon kung saan inihanda na ang mga rescue equipment monitoring sa nasasakupang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨