Bumisita sa unang pagkakataon ang replika ng Poong Itim na Nazareno sa bayan ng Calasiao, nitong huwebes.
Daan-daang deboto ang nagpakita ng kanilang masidhing debosyon sa nasabing poon, na nakalagi ngayon sa Sts. Peter and Paul Parish Church para sa tatlong araw nitong pamamalagi rito.
Sinalubong ang replika ng Imahen ng Itim na Nazareno sa St. Joseph Parish Church, sa Barangay Bued, at sinundan ito ng Solemn Mobile Procession, dakong alas tres patungo sa Sts. Peter and Paul Parish.
Samantala, nagsagawa naman ng misa ang simbahan sa pagbisita ng poon at sinundan ng tradisyonal na pahalik sa imahen hanggang alas dose ng madaling araw.
Samantala, inaasahan pa hanggang sabado ang pagdagsa ng mga deboto na nagmula pa sa iba’t ibang bayan para sa mga gaganaping misa, prusisyon, at pahalik.
Ang imahen ng itim na Nazareno ay pinaniniwalaang mapaghimala at ito ay namamalagi sa simbahan ng Quiapo sa Maynila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨