𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗨𝗗𝗨𝗚𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗥𝗟𝗔𝗖, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗧𝗔𝗞

Hindi muna pinadadaanan sa mga heavy vehicles kasama ang mga mini bus at elf truck ang San Clemente Bridge sa bayan ng San Clemente lalawigan ng Tarlac matapos itong makitaan ng bitak.

Sa naging panayam ng IFM Dagupan Kay San Clemente PNP Chief of Police Major Arnel Cera, martes ng gabi ng mapansin ng mga kapulisan ang nasabi bitak ng tulay kung kaya’t agad itong ipinagbigay alam sa mga opisyales ng bayan maging sa LGU Mangatarem.

Dito ay agad itong isinara sa mga heavy vehicles upang hindi na lumala ang damage ng nasabing tulay.

Sa ngayon ay patuloy ang ugnayan ng PNP LGU at DPWH kaugnay dito upang maayos ito sa lalong madaling panahon.

Ang nasabing San Clemente Bridge ay nag-uugnay ng San Clemente sa lalawigan ng Tarlac at bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments