Tuesday, February 24, 2026

β€Žπ—₯π—˜π—¨π—‘π—œπ—’π—‘ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ π—‘π—œπ—‘π—” 𝗦𝗔π—₯𝗔𝗛 π—šπ—˜π—₯π—’π—‘π—œπ— π—’ 𝗔𝗧 𝗝𝗒𝗛𝗑 π—Ÿπ—Ÿπ—’π—¬π—— 𝗖π—₯𝗨𝗭, π—‘π—”π—šπ—›π—œπ—›π—œπ—‘π—§π—”π—¬ 𝗣𝗔 π—‘π—š π—§π—”π— π—”π—‘π—š π—žπ—¨π—ͺπ—˜π—‘π—§π—’

β€ŽCauayan City – Hindi pa rin matutuloy sa ngayon ang planong reunion movie nina Sarah Geronimo at John Lloyd Cruz.
β€Ž
β€ŽBagama’t naging masaya ang kanilang mga fans sa balitang magbabalik-tambalan ang dalawa, nananatili pa rin itong plano dahil patuloy pa silang naghahanap ng materyal at kuwentong kapwa nila magugustuhan kaya wala pang aprubadong konsepto para sa proyekto.
β€Ž
β€ŽMatatandaang pumatok sa takilya ang kanilang mga pelikulang A Very Special Love, You Changed My Life, It Takes a Man and a Woman at Finally Found Someone at ang inaabangang proyekto sana ang magiging ika-limang pelikula ng kanilang tambalan.
β€Ž
β€ŽSa kabila ng mga pagbabago sa kanilang personal na buhay, nananatiling buhay ang pag-asa ng publiko na muli silang mapanood sa isang romantic drama.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments