CAUAYAN CITY – Ibinahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang buwanang bigas sa bayan ng San Guillermo, San Isidro, at Echague nito lamang ika-9 ng Agosto.
Ang mga nakatanggap ng bigas ay binubuo ng barangay frontliners, PWDs, Fisherfolks, at TODA members na umabot sa 3,315 na indibidwal.
Bukod sa kanila, walong former rebel din ang nakatanggap ng bigas at nabigyan din ang 38 tobacco farmers mula sa bayan ng Cabagan.
Ang inisyatibong ito ay pinangunahan nina Gov. Rodito Albano III at Vice Gov. Faustino “Bojie” Dy III upang mabawasan ang kaso ng kagutuman sa buong lalawigan ng Isabela.
Facebook Comments