𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦 𝗟𝗔𝗗𝗬 𝗣𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢, 𝗡𝗔𝗕𝗨𝗡𝗗𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦; 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Cauayan City – Patay ang isang Sales Lady matapos itong mabangga ng isang Victory Liner bus sa Brgy. Sinamar Sur, San Mateo, Isabela.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng San Mateo Police Station, binabaybay ng pampasaherong bus ang daan patungo sa direksyon ng Ramon, Isabela.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake umano ito sa sinusundan nitong sasakyan ngunit hindi nito inaasahan na nasa proseso pala ng pagtawid patungo sa kabilang kalsada ang biktimang si Julie Dumo.


Dito nga ay aksidente nitong nabundol ang biktima at sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang ginang at nagtamo ng malalang pinsala sa kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Samantala, kasalukuyan ngayong nasa kustodiya ng PNP San Mateo ang driver ng bus para sa imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments