MGA PAUPAHAN SA TAGARAN, PINAALALAHANAN HINGGIL SA BASURA

CAUAYAN CITY- Mahigpit na pinapayuhan ang mga paupahan sa Brgy. Tagaran na sumunod sa ordinansa hinggil sa tamang pagtapon ng basura sa kanilang lugar.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Barangay Kagawad Daniel Acob, maraming paupahan sa kanilang barangay ang kanilang pinapaalalahanan ukol sa tamang pagtapon ng basura.

Aniya, agad naman tumutugon ang ibang may-ari ng paupahan ngunit may mga mangilan-ngilan na matigas ang ulo.


Kamakailan lamang ay may isang paupahan sa kanilang lugar ang kanilang binisita dahil inirereklamo ng mga netizens dahil sa nakakalat na basura sa likod nito.

Agad namang inaksyunan ito ng barangay at ipinatawag ang may-ari sa barangay upang pag-usapan ang problema.

Kaugnay nito, hindi pa rin titigil ang mga opisyal ng Tagaran na ipatupad ang tamang pagtapon ng basura para sa mas malinis at maayos na barangay.

Facebook Comments