Naitala ng lungsod ng San Fernando sa probinsiya ng La Union ang kauna-unahang kaso ng Covid-19 Delta Variant.
Ang lokal na pamahalaan ay hindi naglabas ng detalye ukol sa unang kaso ng delta variant dito ngunit siniguradong fully recovered na.
Dahil dito nagsagawa na ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan kasama na ang DOH upang malaman ang susunod na hakbang sa pasyente at monitoring sa mga close contacts nito.
Sa pagtaas ng naitatalang kaso ng covid19 sa lungsod pinaigting nito ang pagsasagawa ng contact tracing, testing maging ang pagdaragdag ng isolation facilities.
Maliban dito pinabibilis din ang pagbabakuna sa mga eligible group ng lungsod na nasa higit 44,000 na ang nabakunahan ng covid-19 Vaccine.
Facebook Comments