2 pang OFWs na bakunado, nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong

182

Dalawang Pinay ang kabilang sa pinakabagong imported cases ng COVID-19 sa Hong Kong.

Ang 2 Overseas Filipino Workers (OFWs) na kapwa bakunado ng Sinovac ay nagpositibo sa virus pagdating sa Hong Kong.


Ito ay kinabibilangan ng 38 years old at 24 years old na Pinay na kapwa naman asymptomatic.

Ang dalawang OFWs ay naka-isolate na roon.

Ang 5 pang naitalang bagong imported cases sa Hong Kong ay mula Ghana at India.

Facebook Comments