Cauayan City – Mainit man ang panahon subalit dinagsa pa rin ng mga IsabeleΓ±o ang isinagawang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para Sa Lahat Caravan kahapon, ika-13 ng Setyembre sa Isabela Provincial Capitol, Brgy. Alibagu, Ilagan City, Isabela.
Tampok sa nabanggit na Caravan ang iba’t-ibang mga serbisyo at mga produkto mula sa mga ahensya ng gobyerno at mga bayan sa buong lalawigan ng Isabela.
Kabilang sa mga dinagsa ng mga IsabeleΓ±o ay ang Kadiwa ng Pangulo Stores kung saan ibinida ang mga local products mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan kabilang na ang mga prutas, gulay, at bigas na mabibili sa murang halaga.
Tampok rin ang Diskwento Caravan at OTOP Mini Fair ng Department of Trade and Industry, at ang paghahatid ng serbisyo katulad ng Business Name Registration, Barangay Micro Business Enterprise Registration (BMBE), business Counseling at marami pang iba.
Bukod pa rito, naghatid rin ng libreng Medical at Dental Check-up ang Isabela Provincial Health Office katuwang ang Department of Health.