𝗦𝗘𝗦𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗬 𝗨𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Natagpuang patay ang isang sesenta y uno anyos sa lolo sa kanilang bahay sa bayan ng Binalonan.

Ang biktima ay nakilalang si Alfredo Rivera residente ng Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Nakita ang biktima na nakahandusay sa harapan mismo ng kwarto ng kanyang bahay pasado alas singko ng madaling araw .

Agad naman itong ipinagbigay sa mga awtoridad kung saan ay isang doctor na kapitbahay nito ang tumingin sa biktima at napag alaman na ito ay patay na.

Ayon sa mga kaanak, dumaranas ng sakit na TB sa liver disease ang biktima ng ilang taon na rin na pinaniniwalaang dahilan ng kanyang pagkamatay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments