π—¦π—’π—–π—œπ—”π—Ÿ π— π—’π—•π—œπ—Ÿπ—œπ—­π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—–π—”π— π—£π—”π—œπ—šπ—‘ 𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗖π—₯π—˜π—˜π—‘π—œπ—‘π—š π—‘π—š π—–π—˜π—₯π—©π—œπ—–π—”π—Ÿ π—–π—”π—‘π—–π—˜π—₯, π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— π—‘π—š 𝗗𝗒𝗛 π—₯𝟭

Inilunsad ng Department of Health (DOH) – Ilocos Region katuwang ang Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) OB-Gynecology Department ang social mobilization campaign at ang mass screening ng cervical cancer sa lalawigan ng La Union.

Binigyang diin ni Regional Director Paula Paz M. Sydiongco ang kahalagahan ng maagang deteksyon ng naturang sakit upang agarang maagapan din ito.

Dagdag pa niya na nagagamot ang sakit dahil may mga nakahandang bakuna laban dito.

Samantala, nabenipisyuhan ang nasa higit isang daan at limampu’t kababaihan sa probinsya sa pamamagitan ng Human papillomavirus (HPV) vaccine at screening. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments