𝗠𝗜𝗚𝗥𝗔𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗗𝗘𝗦𝗞 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗢𝗥𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗢𝗙𝗪 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚

Target na maitatag ang isang Migrant Workers Desk bilang suporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA).

Sa ilalim nito, nilagdaan na ang MOA sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag at tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA.

Layon nitong mas matututukan ang kapakanan at karapatan partikular ang mga Manaoagueño sa kanilang pagiging isang OFW.

Tugon din ito ng LGU Manaoag sa mas pinag-igting pang suporta sa kanilang proteksyon sa mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments