Umabot na sa 31 insidente ng suicide ang naitala sa Pangasinan sa kasalukuyan. Mas mababa ng walumpung porsyento kung ihahambing sa naitalang 54 kaso sa parehong petsa noong nakaraang taon.
Ayon kay Capt. Renan Dela Cruz, ang Public Information Officer ng Pangasinan Police Provincial Office, depresyon ang pangunahing nakikitang dahilan ng pagbibigti o wakasan ang buhay ng isang indibidwal.
Paalala ni Dela Cruz ang mahalagang tungkulin ng suporta mula sa bawat miyembro ng pamilya. Dagdag niya, patuloy na isinasagawa ng Pangasinan Police Provincial Office ang ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at ilang faith-based community para sa family counseling sa kabahayan at mga paaralan.
Kaugnay nito, nagbigay ng tips ang Pangasinan PPO ukol sa suicide incidents sa lalawigan. Una rito ang paglapit para humingi ng tulong sa mga support system. Sunod ang paghamon sa negatibong kaisipan at pagsasaalang-alang ng self-care. Mainam din na pamahalaan ang nararanasang stress ng malakas na coping mechanism. At panghuli ang pagbuo ng positibo at malakas na support system.
Ayon sa PPO sa kanilang post, hindi pa tapos ang istorya ng isang indibidwal. Humingi ng tulong at makipag-usap dahil maaaring bumuo ng panibagong kabanata nang magkasama. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨