Nananatiling mataas pa ring mataas ang suplay ng sibuyas sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa mataas din produksyon nito ngayon ayon sa grupong SINAG.
Ayon sa panayam ng IFM News dagupan kay SINAG Chairman Engr. Rosendo So, kung ikukumpara umano noong nakaraang taon, mas marami ang itinanim ngayon na sibuyas kaya naman hanggang ngayon, mataas pa rin ang produksyon nito.
Nasa 25% umano ang porsyentong naidagdag na ngayon kumpara sa porsyento na naitanim noong nakaraang taon.
Dagdag pa niya, hindi rin nakakaapekto ng malala sa produksyon ang nararanasang pag-atake ng mga peste sa mga tanim na sibuyas ng mga onion farmers sa Nueva Ecija.
Sa taas ng produksyon, maaaring nasa 2% lamang umano ang magiging epekto ng mga peste sa magiging produksyon ng sibuyas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨