Bago pa man mag-umpisa ang taong 2024 ay nauna nang nagpaalala ang Department of Trade and Industry (DTI) ang nakaambang taas presyo sa ilang mga grocery items sa pagpasok ng kasalukuyang taon.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, matagal na umanong naghain ng petisyon ng umento sa presyo ang nasa labingwalong mga manufacturers.
Ilan lamang sa mga basic commodities na hiniritan ng pagtaas presyo ay ang bigas, sardinas, instant noodles, canned meat, kape, bottled water, asin at mga condiments.
Samantala, posibleng maramdaman ang taas presyo sa 63 produkto kung maaprubahan na ito ng ahensyang DTI. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments