𝗪𝗔𝗡𝗧𝗘𝗗 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗖𝗢, 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗘𝗦 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢, 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗛𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗦𝗢𝗟

Napadali ang paghahanap ng mga awtoridad sa isang wanted person sa bahagi ng Basco sa lalawigan ng Batanes matapos itong ma-trace nang tangkaing kumuha ng Police Clearance sa bayan ng Dasol.

Nagtungo sa Dasol PNP ang akusado na nakilalang si Imelda Gabisan pasado alas dos ng hapon upang kumuha sana ng Police Clearance subalit napag-alaman na ito ay wanted person sa Batanes sa pamamagitan ng National Police Clearance System.

Nahaharap ang akusado sa Kasong Qualified Thief na walang piyansa at may petsang October 17, 2017 na inilabas ng isang Regional Trial Court branch doon.

Agad namang nakipag-ugnayan ang PNP Dasol sa PNP Batanes upang mai-turn over ang nasabing akusado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments