
Cauayan City – Tatlong indibidwal ang naaresto matapos makumpiska sa isang checkpoint ang ₱324,000 na halaga ng iligal na sigarilyo sa Barangay Antonino, Alicia, Isabela.
Kinilala ang mga suspek bilang alyas “Leo”, “Lyn”, at “Tope’, na residente ng Brgy. Pulong, San Miguel, Talavera, Nueva Ecija.
Nasamsam mula sa mga suspek ang 450 rims ng modern tobacco na nagkakahalaga ng ₱324,000.
Ang checkpoint operation ay pinangunahan ng Alicia Police Station kasama ang 2nd Platoon ng Isabela Provincial Mobile Force Company at Police Intelligence Unit-Isabela bilang bahagi ng intel-driven at preventive policing laban sa smuggling.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alicia Police Station ang mga naarestong suspek at nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 263 ng National Internal Revenue Code, o unlawful possession ng excise-taxed products nang walang kaukulang dokumento.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










