
Cauayan City – Isinusulong ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela ang pagbuo ng isang Technical Working Group (TWG) upang pag-isahin ang mga ordinansa sa trapiko sa buong Isabela.
Ayon kay Kiko Dy, layunin nitong maglatag ng iisang pamantayan sa kalsada para sa mas epektibong pag-iwas sa aksidente sa lahat ng bayan at lungsod.
Tinalakay ang hakbang sa isang consultative meeting na dinaluhan ng mga kinatawan ng Philippine National Police, Land Transportation Office, at Department of Public Works and Highways, kasama ang mga lokal na alkalde.
Binibigyang-diin ng mga opisyal ang kahalagahan ng koordinasyon upang maging pare-pareho ang pagpapatupad ng batas-trapiko.
Iniulat rin na bumaba ng 28.5 porsyento ang road crashes mula Pebrero 9–20, 2026, bunga ng reorganisasyon ng Isabela Road Safety Council sa ilalim ng Executive Order No. 10 ni Governer Rodito Albano.
Nakatakda ring magsagawa ng malawakang road safety seminar ang Integrated Provincial Health Office sa Mayo, katuwang ang iba’t ibang ahensya.
Source: Isabela PIO
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










