Thursday, June 4, 2026

β€Žπ— π—”π—šπ—‘π—” 𝗖𝗔π—₯𝗧𝗔 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬, π—œπ—¦π—œπ—‘π—¨π—¦π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š π—‘π—œ π—¦π—£π—˜π—”π—žπ—˜π—₯ 𝗗𝗬 β€Ž

β€ŽCauayan City – Nanawagan si House Speaker Faustino β€œBojie” G. Dy III sa agarang pagpasa ng Magna Carta para sa mga Barangay, na aniya’y matagal nang hinihintay ng mga opisyal sa grassroots level.
β€Ž
β€ŽSa pagdinig ng komite sa Kamara, binigyang-diin niya na ang mga barangay official ang nagsisilbing unang takbuhan ng mamamayan sa oras ng pangangailangan.
β€Ž
β€ŽBilang dating barangay captain, alkalde at gobernador, sinabi ni Dy na personal niyang nasaksihan kung paano umaako ng malawak na responsibilidad ang mga opisyal ng barangay, mula sa pagpapatupad ng batas at ordinansa hanggang sa pagresponde sa mga krisis at sakuna.
β€Ž
β€ŽBinanggit din niya ang mahalagang papel ng mga ito noong pandemya ng COVID-19 kung saan sila ang nanguna sa pagpapatupad ng health protocols at pamamahagi ng tulong, sa kabila ng panganib sa kanilang kaligtasan.
β€Ž
β€ŽSa ilalim ng panukala, layong mapataas ang sahod at benepisyo ng mga Punong Barangay, Kagawad, SK officials at kawani, at mapalakas ang mga pasilidad at serbisyo sa komunidad.
β€Ž
β€ŽSource: Faustino “Bojie” Dy III

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments