Wednesday, February 25, 2026

𝗧π—₯π—œπ—–π—¬π—–π—Ÿπ—˜ 𝗗π—₯π—œπ—©π—˜π—₯, π—›π—¨π—Ÿπ—œ 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗔𝗨π—₯𝗒π—₯𝗔, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

Cauayan City – Arestado ang isang 40-anyos na tricycle driver matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Kalabaza, Aurora, Isabela, gabi nitong Pebrero 24, 2026.

Kinilala ang suspek bilang alyas β€œLito,” may asawa at residente ng Barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela.

Nakumpiska sa operasyon ang isang piraso ng P1,000 buy-bust money, isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na siyang buy-bust item, isang cellphone, 174 pesos bilang personal na pera, isang sinturon, isang itim na six-pocket short pants, at isang motorsiklo na may sidecar.

Matapos ang imbentaryo, dinala ang suspek sa Aurora Police Station para sa karagdagang imbestigasyon.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments