
Cauayan City – Ipinabatid ng Isabela-I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I) sa kanilang mga member-consumer-owners na magpapatupad sila ng bagong aprubadong interim rate para sa Universal Charge β Missionary Electrification (UC-ME).
Β
Ayon sa abiso ng kooperatiba, ang nasabing rate adjustment ay alinsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipatutupad sa lahat ng distribution utilities sa buong bansa.
Β
Ang Universal Charge β Missionary Electrification ay bahagi ng singil sa kuryente na inilaan upang masuportahan ang pagbibigay ng suplay ng kuryente sa mga lugar na hindi saklaw ng grid o ang tinatawag na missionary areas.
Β
Dagdag pa ng kooperatiba, nananatili ang kanilang pangako sa pagbibigay ng malinaw, tapat, at napapanahong impormasyon para sa kapakanan ng kanilang mga konsyumer.
Β
Pinapayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa mga opisyal na channel ng ISELCO-I kung may mga katanungan o nais linawin hinggil sa bagong rate.
Β
————————————–
Β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
Β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
Facebook Comments










