π—§π—¨π—Ÿπ—”π—ž π—‘π—š π—œπ—Ÿπ—œπ—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 π—‘π—¨π—˜π—©π—” π—©π—œπ—­π—–π—”π—¬π—”

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaking tulak ng iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation noong ika-16 ng Mayo sa Brgy. Quezon, Solano, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Juancho” 45-anyos, at residente ng Brgy. Don Domingo Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Nasamsam mula sa suspek ang medium transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, sachet ng marijuana leaves at shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.


Matapos ang operasyon, dinala ang suspek sa himpilan ng Solano Police Station para kaukulang dokumentasyon.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments