Paghahanda sa tag-ulan, sinimulan na sa lungsod ng Muntinlupa

Sinimulan na rin ng Engineering Department ng Muntinlupa City ang declogging activities nito para sa baradong kanal at estero bilang pag-iwas na rib sa pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan.

Kabilang sa mga lungar na pinuntahan ng declogging team ay ang mga Midland 1 Subdivision, Barangay Putatan, Purok 1 Extension, Barangay Alabang, San Roque Purok 1 Extension, Barangay Alabang at Phase 1 Don Juan Bayview, Barangay Sucat.

Paalala ng Muntinlupa Local Governmant Unit (LGU) sa publiko ay ugaliin ang paglalagay ng basura sa tamang tapunan para maiwasan ang pagbara sa mga kanal, lalo na ngayong paparating ang tag-ulan.


Nanawagan din ang pamahalaang lungsod sa mga residente nito na kung sino man ang may nais ng declogging assistance, maaring magpadala ng request letter sa engineering department tuwing Lunes hanggang Biyernes, alas- 7:00 am to alas- 4:00 pm.

Facebook Comments