Maraming bisita ang dumagsa sa lungsod ng Alaminos partikular na sa Hundred Islands National Park, noong 2023 base sa naitala ng Alaminos City Tourism and Culturals Office (ACTCO).
Base sa inilabas na datos ng ACTCO, 438, 619 na mga lokal at banyagang turista ang bumisita sa pamosong Hundred Islands National Park.
Ayon pa sa datos, 63.9% naman sa naitala nito ang international arrivals sa taong 2023, kung saan 8, 271 sa kabuuang bilang ng kanilang naitala ay mga banyaga.
Samantala, layon pa ng sektor ng turismo sa lungsod na mas mapataas pa ang bilang nito na umabot o humigit pa sa kabuuang kalahating milyong turista sa taong 2024, kasabay ng pag-angat ng turismo sa nasabing lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments