𝗥𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔; 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗕𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗗𝗔, 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡

Bumaba ng nasa ₱20 ang retail price ng kada kilo ng produktong bangus sa lalawigan ng Pangasinan.

Mula sa ₱200 pesos na retail price ng bangus per kilo, nasa ₱180 ang retail price ngayon ayon sa panibagong monitoring update ng Department of Agriculture Ilocos Region pagdating sa mga selected agri-fishery commodities.

Mula sa update ng DA Ilocos Region mula December 25-29, 2023, nasa ₱130 per kilo ang nagi ng retail price para sa isdang tilapia sa Pangasinan.

Ang retail price naman para sa isdang galunggong, local o imported man ay naglalaro sa ₱200 per kilo at Alumahan na nasa ₱180 per kilo ang retail price.

Sa ngayon, tuloy ang kalakalan ng mga produktong isda sa mga wet market sa Pangasinan gaya sa Magsaysay Fish market sa Dagupan City at mabenta pa rin naman na bilhin ang produktong bangus. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments