𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥’𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

Dinayo ng mga kawani ng Provincial Comelec ng Pangasinan ang ilan sa napiling paaralan para ilapit na ang voter’s registration sa mga estudyante at iba pang nais na magparehistro sa unang araw ng pag-arangkada nito.

Ayon sa panayam ng ifm news dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty Marino Salas, wala ang mga COMELEC officers sa kanilang tanggapan dahil una nilang target na ilapit ang naturang voter’s registration sa mga paaralan para hindi na mahirapang pumunta ng kanilang tanggapan ang mga estudyante at iba pang gustong magparehistro.

Sa kasalukuyan, nasa higit dalawang milyon ang mga rehistradong botante sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa datos ng Provincial Comelec.

Inaasahang libo-libo ang mga botanteng dadagdag sa naturang bilang sa muling pagbubukas ngayon ng voter registration.

Samantala, para sa mga bagong mag-aapply sa naturang registration, dapat ay mage-eighteen years old on or before May 12, 2025 kaya naman maaaring magparehistro ang mga nasa seventeen years old.

Pinaalalahanan rin ang mga magpaparehistro na dalhin ang lahat ng requirements na kakailanganin sa araw na nais magparehistro para hindi na maabala pa at diretso ang proseso ng aplikasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments