π—£π—”π—šπ—§π—”π—‘π—šπ—žπ—œπ—Ÿπ—œπ—ž 𝗦𝗔 π—‘π—”π—šπ—•π—”π—•π—”π—Ÿπ—œπ—ž 𝗑𝗔 π—©π—’π—§π—˜π—₯’𝗦 π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘, π—œπ—£π—œπ—‘π—”π—‘π—”π—ͺπ—”π—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—–π—’π— π—˜π—Ÿπ—˜π—– π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘

Muling nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) na tangkilikin ang muling nagbabalik na voter’s registration.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, sa ngayon ay nasa mga National High School ang mga opisyales ng Comelec upang doon isagawa ang nasabing voter’s registration.

Sa ngayon ay inaasahan, aniya, na nasa hanggang 50k ang mga bagong madadagdag sa mga botante sa probinsya.

Sa ngayon ay Nasa 2.1 milyon ang kasalukuyang bilang ng mga botante sa probinsya ng Pangasinan kung ibabase sa katatapos na Barangay and SK election. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments