𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗦𝗘𝗥𝗬𝗢𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗧𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦

Naniniwala si Urdaneta City Mayor Julio Parayno III na ang seryosong pagtutok nila sa health services ng lungsod ang naging susi para masungkit nila ang pagiging Consistent Outstanding Winner on Nutrition na iginawad sa kanila ng National Nutrition Council.
Pinasalamatan ni Mayor Parayno ang mga naging katuwang nito sa pagsusulong ng mga programang pang-kalusugan at nutrisyon sa kanilang bayan sa pangunguna ng may bahay nitong si Dr. Rachelle Ann Parayno na nagsisilbi bilang kanilang City Health Officer.
Ang Urdaneta City ay isa sa mga aktibong LGUs na patuloy na nag-iimplementa ng First 1,000 days program bilang kanilang banner program para sa patuloy na pagbuti ng nutritional status ng mga vulnerable group sa kanilang lungsod. Bukod pa dito ang pagkakaroon umano ng marami pang programang pang-nutrisyon na itinataguyod ng kasalukuyang administrasyon na indikasyon na sila ay seryoso sa kanilang commitment sa pagsusulong ng masustansyang pamayanan.

Ang Consistent Outstanding Winner on Nutrition o CROWN Award ay iginagawad sa mga LGU na nakaabot ng gradong 90% sa nutrition evaluation at consistent number 1 sa loob ng tatlong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments