𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗞𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗜𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗚 𝗡𝗨𝗧𝗥𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗛𝗜𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗡𝗢

Naiuwi ng Lalawigan ng Pangasinan ang pito sa labing anim na Green Banner Seal of Compliance sa katatapos na 2023 Gawad Parangal ng Nutrisyon sa Rehiyon Uno na kinabibilangan ng mga bayan ng Burgos, Mangatarem, Bayambang, Basista, Siyudad ng Alaminos, at Urdaneta.
Bukod dito naiuwi din ni Provincial Health Officer 2 at PNAO Dr. Ana De Guzman ang parangal bilang 2022 Regional Outstanding Provincial Nutrition Action Officer in Region 1. Kinilala di si Pangasinan DNPC Analiza Miranda bilang 2022 District Nutrition Program Coordinator of the Year. Sa kategorya namang 2022 Local Nutrition Action Officer of the Year tinanghal na kampeon si MNAO Bayambang Venus Bueno at naging nominado naman dito ang mga kinatawan mula sa lungsod ng Dagupan at San Carlos, samantalang tinanghal na 2nd at 1st runner up ang lungsod ng Urdaneta at Alaminos.
Tinanggap din ng Urdaneta City ang parangal na Consistent Outstanding Winner on Nutrition sa pangunguna ni Mayor Julio Parayno III at ng may bahay nitong si City Health Officer Dr. Rachel Ann Parayno kasama ang iba pang opisyal na kumikilala sa lungsod sa pagpapanatili ng Green Banner Seal of Compliance sa loob ng tatlong taon. Samantala, napanatili din ng Pangasinan ang pagiging Green Banner Seal of Compliance awardee dahil sa mas pinalakas na programa nito sa nutrisyon.

Bukod sa certificates, medalya, at plake nag-uwi din ng cash incentives ang mga awardees. Ang mga nasabing parangal ay pagkilala ng pamahalaan sa natatanging kontribusyon ng mga LGU at indibidwal sa pagsusulong ng mga programang pang nutrisyon sa kanikanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments