𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗟𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗚𝗡𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗔𝗠𝗬𝗘𝗡𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝟭𝟵𝟴𝟳 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗧𝗜𝗧𝗨𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗡𝗨𝗧𝗨𝗧𝗨𝗞𝗔𝗡

Patuloy umanong tututukan at iimbestigahan ng grupong Alliance of Concern Teachers Partylist ang ukol sa kumakakalat na di umanoy pagbili sa mga signature ng mga botante para sa People’s Initiatives para sa Charter Change.

Sa panayam ng iFM Dagupan kay Alliance of Concern Teachers Partlylist Representative France Castro, sinabi nitong wala naman umanong masama ang pangunguna sa People’s Initiative para sa pagbabago dahil karapatan naman ito ng bawat botante ngunit ang paggamit umano sa mga programa ng gobyerno, pananamantala, at pangangako ng mga ayuda ay hindi naman tama para lamang pumirma ang mga ito.

Mas maganda umano kung ipaliliwanag sa mga ito kung ano at para saan ang kanilang gma pinipirmahan at kung ang nakapaloob sa form na inilabas nang sa gayon ay maintindihan nila ito at magkaroon ng sariling desisyon.

Samanta, inihayag rin ni Castro na kung sakaling may mga public officials lalo na ang mga barangay captains na kasama sa may pakana ng ganitong klaseng katiwalian ay haharap umano ang ito sa karampatang parusa sa ilalim ng batas ng COMELEC sa oras na mapatunayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments