𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝗛 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗘Ñ𝗢, 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗜𝗜𝗥𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗟𝗔𝗥𝗦𝗛𝗜𝗣 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠

Karagdagang mga Kabataang Dagupeño ang kabilang na ngayon sa umiiral na Scholarship Programa sa Dagupan City.

Nasa kabuuang 242 na mga bagong scholars ang tukoy nang grantee at kasabay din nito ang pagtanggap ng kanilang scholarship grant na nagkakahalaga ng ₱20, 000 laan para sa bawat semester ng taon.

Matatandaan na nauna nang tumanggap ang mga nauna nang batch maging mga current scholars noong mga nakaraang buwan lamang.

Samantala, layon ng kasalukuyang administrasyon na makapagtala ng nasa 5, 000 na mga estudyanteng bebenipisyo sa nasabing scholarship upang matulungan ang mga ito sa larangan ng edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments