𝗪𝗘𝗧 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚; 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟬𝟬-𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗖𝗢𝗡𝗢𝗠𝗜𝗖 𝗟𝗢𝗦𝗦, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔

Tinupok ng apoy ang wet market ng Lungsod ng San Fernando sa lalawigan ng La Union.

Base sa nakuhang impormasyon ng IFM News Dagupan sa BFP San Fernando City, nakatanggap ang kanilang tanggapan ng tawag mula sa concerned citizen pasado 1:46 ng madaling araw kahapon nang masunog ang naturang palengke.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Fire Chief Inspector Jun Eland Wanawan ng BFP San Fernando City, naging pahirapan ang pag-apula sa sunog dahil mabilis na kumalat ang apoy gawa aniya ng mga light materials sa loob ng palengke.

Dagdag pa nito, dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay itinaas sa Task Force Alpha ang alarma ng sunog kung saan aniya ipinatawag na lahat ng mga firetrucks sa lungsod at maging ng pag-augment sa mga karatig bayan para tumulong na rumesponde sa sunog.

Sa datos ng LGU, nasa kabuuang 1, 156 na stall occupants ang apektado at base sa kanilang taya ay nasa mahigit ₱200-milyon capitalization ang halaga ng economic loss sa palengke.

Dahil sa naganap na sunog ay humiling at nagpasa na ng resolusyon ngayon ang alkalde ng lungsod na si City Mayor Hermenegildo Gualberto katuwang CDRRMO na ideklara ang lungsod sa ilalim ng State of Calamity sa tulong din ng Sangguniang Panglusod na siyang magaapruba nito.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung ano ang pinagmulan ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments