πŸ—πŸ—% π‚πŽππ’πŽπ‹πˆπƒπ€π“πˆπŽπ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ π‰π„π„πππ„π˜π’, ππ€πˆπ“π€π‹π€ 𝐒𝐀 π‘π„π‡πˆπ˜πŽπ πƒπŽπ’

 

CAUAYAN CITY- Ibinalita ng pamunuan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board Region 02 na nasa 99.95% na ang mga consolidated jeepneys sa Lambak-Cagayan.

Ayon kay Regional Director Richard Dayag, isa lamang mula sa 2,062 public utility jeep o PUJs ang hindi nakasama sa consolidation, o katumbas ng 99.95% accomplishment.

Samantala, sa mga utility van express naman, tatlo lamang mula sa 1,429 units ang hindi nakapag-consolidate.


Dahil sa matagumpay na consolidation, ipinahayag ni RD Dayag ang kanyang pasasalamat sa buong suporta na ibinigay ng mga jeepneys at UVE operators na tumugon sa panawagan ng gobyerno na Public Utility Vehicle Modernization Program o PUVMP.

Facebook Comments