Tuesday, January 27, 2026

𝟭𝟴-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗣𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Cauayan City – Nadakip ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki na umano’y tulak ng shabu sa ikinasang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation kahapon, ika-26 ng Enero, sa Brgy. San Fermin, Cauayan City.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang suspek ay kinilalang si “Vin”, residente ng Brgy. Cabaruan, Naguilian, Isabela.

Ang pagkakadakip sa suspek ay isinagawa matapos positibo nitong mabentahan ang pulis na nagpanggap na buyer ng isang plastic sachet na may dalawang silyadong plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa ikinasang operasyon, nasamsam sa suspek ang nabanggit na kontrabando, 1000 pesos buy-bust money na binubuo ng tunay na 500 peso bill, at 500 boodle money, drug paraphernalia, at cellphone.

Matapos ang operasyon, dinala ang mga ebidensiya sa Cauayan City Police Station maging ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

———————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments