𝟭𝟴 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Patay ang isang 18 anyos na lalaki sa matapos mahulog sa Sinocalan River sa Brgy. Leet, Sta. Barbara, Pangasinan.

Ayon sa pulisya, kasama ng biktima ang kaibigan nito nang magkaayaang maligo sa ilog.

Nang papunta na ito sa ilog nadulas ang biktima at nahulog sa ilog na tinangay ng malakas na agos sa kasagsagang ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang awtoridad at nakitang walang malay ang biktima.

Itinakbo ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments