FPRRD, mariing itinanggi na ipinag-utos niya ang pagpatay sa ilalim ng war on drugs

COURTESY: Senate of the Philippines

Iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na kailanman ay hindi niya ipinag-utos ang pagpatay sa ilalim ng pagpapatupad ng war on drugs.

Sa pahayag ni Duterte sa imbestigasyon ng Senado, binigyang-diin nito na pangunahing sa “law of nature” ang self-preservation at ito ay kinikilala ng ating batas bilang self-defense kaya naman aniya palagi niyang pinaaalalahanan ang mga awtoridad at mga operatiba na maging maingat sa pagpapatupad ng “basic law of nature.”

Subalit, iginiit ni dating Pangulong Duterte na kahit kailan ay hindi niya pinayagan ang mga pulis at sundalo na abusuhin ang kanilang awtoridad at kapangyarihan kahit pa noong siya ay alkalde ng Davao City hanggang sa naging presidente ng bansa.


Samantala, naunang hiniling ni Duterte sa mga senador na huwag siyang ituring na pangulo o kaibigan kung hindi ituring siya ng mga ito bilang testigo at aniya dito tingnan kung lalabas ang totoo.

Sinabi pa ng dating dangulo na ang kampanya kontra iligal na droga ay hindi pagpatay sa mga tao kung hindi ito ay pagbibigay proteksyon sa mga inosente at mga walang kalaban-laban; at ang war on drugs ay tungkol sa pagsawata sa mga illegal substance tulad ng shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs, at iba pang kaparehong substance.

Facebook Comments