Tuesday, March 3, 2026

𝟮 𝗪𝗘𝗘𝗞 𝗧𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗜𝗢𝗗, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗧𝗔. 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘

Cauayan City – Ipatutupad ng Department of Public Works and Highways ang 2 week testing period sa Cabagan-Santa Maria Bridge matapos itong buksan muli kahapon, ikalawa ng Marso.

Sa pagbisita ni DPWH Secretary Vince Dizon, sinabi nito na ang itinayong steel connector bridge na kapalit ng gumuhong 3rd span ng Cabagan-Sta. Maria Bridge ay natitiyak namang matibay.

Gayunpaman, bilang bahagi ng safety measures ay ipatutupad muna ang one way traffic scheme para sa mga light vehicles sa loob ng dalawang linggo para sa pagsusuri.

Sa ngayon, 3 tons load limit lamang ang tulay at hindi nila pinapayagan ang pagdaanan ng malalaki at mabibigat na truck.

Sinabi rin ni Secretary Dizon na kung kapag na tiyak na ang tibay at kaligtasan ng tulay, maaari ng payagan ang two way traffic scheme, partikular na para sa mga tricycle at single motorcycle.

Samantala, 24/7 rin ang gagawing pagbabantay sa tulay upang masiguro ang kaligtasan ng mga dumaraan dito. Mahigpit ring pinapayuhan ang lahat na sumunod sa ipinatutupad na alituntunin upang hindi na maulit pa ang nangyaring trahedya noong nakaraang taon.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments