Alaminos City – Inilunsad sa Lungsod ng Alaminos ang bayanihan spirit, ang pagmamalasakitan at kagandahang loob ng bawat isa makaraang matagumpay na mailunsad ang “Community Pantry” sa tatlumpot siyam na barangay sa lungsod.
Ito ay inisyatibo ng lokal na pamahalaan na humugot ng inspirasyon sa unang community pantry na itinatag sa maginhawa, lungsod ng quezon at ngayo’y umabot na sa iba’t ibang sulok ng bansa. Naisakatuparan ito sa tulong ng mga Barangay Councils at mga donors.
Layon ng programa na makapagbigay ng ilang food items tulad ng gulay, bigas, de-lata, noodles at prutas sa pamilyang naapektuhan ng pandemya at mga umaasa lang sa arawang kita. Magpapatuloy din umano ang mga community pantries sa tulong pa rin ng mga donors.
Ngayon ay hinihikayat ang lahat, lalo na ang mga nakakaluwag sa buhay, may mga mabubuting kalooban at likas na mapag-kalinga na ibahagi ang blessings sa mga kababayan.